Ang Pilipinas ay ang kaisa-isang bansa sa Asya na kasama sa kurikulum ng mga mag-aaral ang asignaturang Ingles. Kung ang Amerika ang nagunguna sa listahan ng mga nagsasalita ng Ingles, na sinundan naman ng Britanya, hindi na nakapagtataka na ang Pilipinas ang hirangin na pangatlo sa mga bansa sa buong mundo na nagsasalita ng ganitong wika. Marami ang mga natutuwa sa ganitong sitwasyon sa kadahilanang nagiging mas angat tayo at mas nagigi tayong edukado sa pananaw ng mga dayuhan. Ngunit dapat ba natin itong ikatuwa? o dapat ikagalit natin ito dahil nalalamangan nito ang ating sariling wika? ang wikang Filipino!
Ito ang tanong na nais ko na kayong mga mambabasa ang sumagot!
Wikang Filipino ba ang ginagamit mong wika sa tuwing ikaw ay kumakain sa isang restaurant? Eh sa tuwing ikaw ay sasakay ng dyip? Eh sa tuwing ika'y mamimili?
Ang wika ang pundasyon ng isang bansa! Ito ang susi sa kaunlaran, kapayapaan, at higit sa lahat sa pagkakaisa.
Lagi nating tatandaan na ang wika ni Gat Jose Rizal na "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda!"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento